GMA Kapuso Foundation, sisimulan na ang pagpapagawa ng mga paaralang nasira ng bagyong Odette

Ngayong June, magsisimula na muli ang Kapuso School Development Project ng GMA Kapuso Foundation para sa mga paaralang sinalanta ng super typhoon Odette noong December 2021.

Dalawang eskuwelahan sa Surigao ang ipapaayos–ang Baybay Elementary School sa Burgos, Siargao na magkakaroon ng apat na bagong classrooms at apat na bagong comfort rooms, at ang Cabitoonan Elementary School sa General Luna, Siargao na bibigyan naman ng tatlong bagong classrooms at tatlong bagong comfort rooms.

Sa Leyte naman, dalawang paaralan din ang ipapaayos ng GMA Kapuso Foundation–ang New Malangza Elementary School sa Liloan, Southern Leyte na hahandugan ng tatlong bagong classrooms at tatlong bagong comfort rooms, at Magallanes Elementay School sa Limasawa Island na mabibigyan naman ng apat na bagong classrooms at apat na bagong comfort rooms.